life

Pagkatapos, ginawa ng Panginoong Yahweh ang tao mula sa alabok, hiningahan niya sa ilong, at nagkaroon ito ng buhay.

Genesis 2 : 7

Ito naman ang sinabi ng Diyos kay Adan: “Dahil nakinig ka sa iyong asawa,     nang iyong kainin ang ipinagbawal kong bunga; dahil dito'y sinusumpa ko ang lupa,     sa hirap ng pagbubungkal, pagkain mo'y magmumula.

Genesis 3 : 17

Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Yahweh, “Katulad na natin ngayon ang tao, sapagkat alam na niya ang mabuti at masama. Baka pumitas siya at kumain ng bungangkahoy na nagbibigay-buhay at hindi na siya mamatay.”

Genesis 3 : 22

At sinabi ng Panginoong Yahweh sa ahas: “Sa iyong ginawa'y may parusang dapat,     na ikaw lang sa lahat ng hayop ang magdaranas; mula ngayon ikaw ay gagapang,     at ang pagkain mo'y alikabok lamang.

Genesis 3 : 14

Sinabi ng Diyos: “Magkaroon sa tubig ng maraming bagay na may buhay, at magkaroon din ng mga ibon sa himpapawid.”

Genesis 1 : 20

Si Noe ay 600 taóng gulang na noon. Noong ikalabimpitong araw ng ikalawang buwan, nabuksan ang lahat ng bukal sa ilalim ng lupa. Nabuksan din ang mga bintana ng langit.

Genesis 7 : 11

Pinalayas nga siya ng Diyos. At sa dakong silangan ng halamanan ng Eden ay naglagay ang Diyos ng bantay na kerubin. Naglagay rin siya ng espadang nagniningas na umiikot sa lahat ng panig upang hindi malapitan ninuman ang punongkahoy ng buhay.

Genesis 3 : 24

Pinatubo niya roon ang lahat ng uri ng punongkahoy na magagandang pagmasdan at masasarap ang bunga. Sa gitna ng halamanan ay naroon ang punongkahoy na nagbibigay-buhay, at gayundin ang punongkahoy na nagbibigay-kaalaman tungkol sa mabuti at masama.

Genesis 2 : 9

Sapagkat ang buhay ay nasa dugo at iniuutos ko na dapat ihandog iyon sa altar bilang pantubos sa inyong buhay.

Levitico 17 : 11

Saksi ko ang langit at ang lupa na ngayo'y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay mabuhay nang matagal.

Deuteronomio 30 : 19