hope

Kaya, huwag na kayong mag-alala. Ako ang bahala sa inyo at sa inyong mga anak.” Napanatag ang kanilang kalooban sa mga sinabing ito ni Jose.

Genesis 50 : 21

at mamamatay ang lahat ng panganay na lalaki, mula sa anak na magmamana ng trono ng Faraon, hanggang sa panganay na anak ng hamak na aliping babae na tagagiling ng trigo; pati panganay ng mga hayop ay mamamatay.

Exodo 11 : 5

Hindi kayo mapapanatag doon. Lagi kayong mag-aalala. Mamumuhay kayo sa kabiguan at matinding kalungkutan.

Deuteronomio 28 : 65

Pagkasabi nito'y lalo silang nag-iyakan. At hinagkan ni Orpa ang kanyang biyenan, at nagpaalam na. Ngunit nagpaiwan si Ruth.

Ruth 1 : 12

Tulad ng aming mga ninuno, kami nga'y mga dayuhan at naglalakbay lamang. Ang buhay namin sa daigdig na ito ay parang anino at pansamantala lamang.

1 Mga Cronica 29 : 15

Pagkatapos ay sinabi sa kanya ni Secanias na anak ni Jehiel, mula sa angkan ni Elam, “Nagtaksil kami sa ating Diyos dahil nag-asawa kami ng mga babaing dayuhan. Gayunma'y may pag-asa pa rin ang Israel sa kabila ng lahat ng ito.

Ezra 10 : 2

Ito'y malaking karangalan ng mga Judio. Masayang-masaya sila.

Ester 8 : 16

Hindi ako natatakot kung ako man ay patayin,     maiharap lamang sa kanya itong aking usapin.

Job 13 : 15

Di ba't may takot ka sa Diyos at masunurin sa kanya?     Kaya dapat magtiwala ka at magkaroon ng pag-asa.

Job 4 : 6

“Ibigay sana ng Diyos ang aking hinihiling,     sana'y ipagkaloob niya ang aking hangarin.

Job 6 : 8