father

Anak ko, dinggin mo ang aral ng iyong ama,     at huwag ipagwalang-bahala ang turo ng iyong ina;

Mga Kawikaan 1 : 8

Aking anak, ang saway ni Yahweh ay huwag mamaliitin,     at ang kanyang pagtutuwid ay huwag mong itakwil,

Mga Kawikaan 3 : 11

Kung ang isang ama'y namumuhay sa katuwiran,     mapalad ang mga anak na siya ang tinutularan.

Mga Kawikaan 20 : 7

Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh, dulot ay kapayapaan,     may hatid na katatagan sa buong sambahayan.

Mga Kawikaan 14 : 26

Pananalig at katapata'y huwag mong tatalikuran,     ikuwintas sa iyong leeg at itanim sa isipan.

Mga Kawikaan 3 : 3

Aking anak, utos nga ng ama mo ay sundin,     huwag mong tatalikuran, turo ng inang giliw.

Mga Kawikaan 6 : 20

Pakinggan mo ang iyong ama na pinagkakautangan mo ng buhay, at huwag hahamakin ang iyong ina kapag siya'y matanda na.

Mga Kawikaan 23 : 22

Anak ko, dinggin mo ang aral ng iyong ama,     at huwag ipagwalang-bahala ang turo ng iyong ina;

Mga Kawikaan 1 : 8

Mapagmahal na magulang, anak ay dinidisiplina,     anak na di napapalo, hindi mahal ng magulang.

Mga Kawikaan 13 : 24

Dinggin ninyo, mga anak, ang turo ng inyong ama,     sasainyo ang unawa kung laging diringgin siya.

Mga Kawikaan 4 : 1